Tuesday, May 01, 2007

1

"I wanna give you love but all i have is rain."
________________________________

Matagal na kong hindi nakapagpost dito. Siguro dahil marami akong ginagawa. Pwede ring dahil ayaw ko lang talagang sumulat. Kahit naman kasi anong isulat ko rito, hindi pa rin masasabi ang pinakamahahalagang bagay. Puros blah blah blah lang. Bira nang bira, wala namang kwenta.

Tutal nasimulan ko rin namang gawing "wala lang" and entry na 'to. Bara-bara na lang din ang susunod na mga linya.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa sarili ko dahil baliw na naman ako sa pag-aaral. Masaya kasi. May reward pa. Araw-araw akong nagbabasa ng required readings at nag-aadvance reading pa. Nafrufrustrate sa isang sure na mali sa longtest at hanggang langit ang talon pag nakaperfect. Ang babaw. Parang tanga.

Gusto kong magmatanglawin. Pero hindi pwede.

Gusto kong mag-enta. Pero hindi rin pwede.

Gusto kong magGabay. YATA. Pero parang huwag na lang.

Gusto kong magmove on. Pero parang hindi. Na parang kaya ko nga. Ay hindi pala. Teka, dapat nang umusad. Sandali, saka na lang. Mahirap makalimot, mabuti pa siya. Ako rin dapat. Pwede bang umasa? Ang tanga ko talaga. Dapat yata magmove on na. Sige oo na nga. Naku ang hirap talaga. Sandali.. Pero.. Pwede bang..

Ayoko sa bahay, maingay. Ayoko sa school, nakakatakot.

Gusto kong mag-evaporate. Yun.

kung sino mang makakabasa nito, libre mo akong ice cream. Masarap kasi yun tamang-tama pa sa panahon. Salamat!

Tuesday, November 28, 2006

prinsesa

ganoon siguro talaga samundo ng mga dugong bughaw -- pagkalaki-laki ng tirahan mo at pagkadami-daming tao sa paligid mo, humahanga man sila o hindi sayo, alam mong hindi ka nila pagsasalitaan nang masama, bukod pa rito, lahat ng pinagsasawaan pwedeng itapon, lahat ng nananakit pwedeng parusahan, lahat ng ayaw mong marinig pwedeng iwasan, lahat ng nakakapagod pwedeng tulugan, lahat ng pangit na katotohanan pwedeng maging maganda.

may tagapunas pa siguro ng luha mo at tagakubli kung sakali mang may makakita ng pagpatak nito.

may mga kawal na magtatanggol kung may nagbabadya ng takot.

lahat ng pangarap ng isang normal na dalaga, ikaw ang nakakakuha.

higit sa lahat, meron kang korona.

gusto kong maging prinsesa, sabi kasi nila masaya daw magkaroon ng prinsipe.

lalo na siguro kung gagawin niya ang lahat wag lang makuha ng iba ang korona mo.

Thursday, November 23, 2006

paggaya kay lola.

katulad ng pagtatanong tungkol sa turon, tinanong niya kung ano nga bang nasa harapan niya.
katulad ng pagtatanong tungkol sa damit, tinanong niya kung nasaan na nga ba ang dating sarili.
parang 50 firs dates. kahit paulit-paulit, parang lahat ay bago pa rin. parang alzheimer's disease. naitapon (ngunit ang ilang piling pangyayari ay sadyang itinapon) ang mga alaalang walang gaanong halaga para sa kanya. katulad ng nararamdaman ni lola, ganoon din daw sya, nakalimot sa masalimuot na kahapon ngunit katulad pa rin ni lola, kasabay nito ay ang paglimot sa magandang nakalipas. naiwan ni lola ang panahon ng kagalingan ng memorya, naiwan niya ang mga payak na sandali ng buhay. itinakas si lola ng tadhana, pati siya naisama. sa pag-alis ni lola, hindi niya namalayang umiiyak ang "dating" mundo ngunit sa pag-alis niya, kitang-kita niya ang pagluha ng iniwang daigdig. sinamahan niya pa rin si lola, mas masaya siguro sa mundo ng mga may alzheimer's -- ang alam mo lamang ay ginagawa mo ang lahat base sa natitira mong alaala at katinuan at kahit na makaramdam ka pa rin ng sakit, ayos lang, baka di mo na rin yun maalala. at kung sakaling hindi mo na kaya, sasagipin ka naman ng kamatayan. katulad ng nangyari kay lola, naisip niyang sumama sa tadhana -- wala na rin daw kasing panahon para bumalik, ganoon siguro talaga ang pag-ibig.

Monday, November 20, 2006

para kay alelie

alam mo yeyi, nakakapag-usap ng kapatid mong si Boom. Kaya lang natigil na yun simula nung magkaroon ako ng napakaraming intindihin sa buhay ko. Sumulat ako sayo hindi para inggitin ka sa bonding namin, kung hindi para itanong sayo kung kumusta ka na. Naaalala kasi kita kapag nagsisipilyo ako, hindi ba dati sabay pa tayo magsipilyo? kapag pinapakita ni Boom yung mga drawing niya, naalala ko na kasing-ganda rin ng mga iyon ang mga gawa mo. Alam mo, ang ahba na rin ng buhok ni Boom, at magaling an siyang magtali ng buhok. Pero masasabi kong mas mahaba pa rin ang sa iyo. Yun nga palang mag damit mong kulay peenk at high-heeled shoes ay madalas nang ginagamit ni Boom, bagay nga sa kanya eh, parang ikaw.

niyayaya ako paminsan-minsan ni Boom na mag-aral-aralan. Ayos lang naman, kaya lang walang oras ang ate mo. Gusto ko sana pero baka malungkot lang ako, ikaw kasi yung top 1 palagi di ba? ang galing-galing mo talaga. oo nga pala, sinundo ko mnsan sa school si Boom, nakita ko yung bestfriend mo, anlaki na niya, at mukahng mabait. yung bato na binigay niya sayo, andun pa rin, katabi ng larawan mo.

Miss na kita. Ibati mo an alng ako sa Kanya at sa mga anghel.

Mahal kita pinsan. Ituloy mo na ang pagsasaya diyan.

tear tear.

banyo sa mvp. sec walkway. jeep. higaan. balikat. Lahat sila dumamay sa mga matang
pagod na pagod na dahil lamang sa mga bagay na sa simula pa lang dapat, naisip nang
hindi pag-alayan ng drama.

kung nakakainis ang katuwaan ang isang pangyayari na hindi naman pala dapat katuwaan,
mas nakakainis na iyakan ang isang pangyayari na hindi naman pala dapat iyakan. Ang mas nakakainis pa, hindi sila dapat iyakan hindi dahil sa hindi sila kaiyak-iyak, kung hindi dahil
may mga mas karapat-dapat na pinagbuhusan ng luha. Akalain mong mali ang naging dahilan
ng iyong pagmomoment.

ERR. mali talaga, maling mali.

ngayon, aabangan na naman ng banyo sa som, edsa walk, fx, mga unan, at panyo ang pagdaloy
ng tubig ng hinanakit. Hindi naman gaanong nakakatakot yun, nakakakaba lang, baka kasi
mali na naman ang dahilan at hindi na dumating ang mga nakakaintindi.

Thursday, October 12, 2006

Namimiss na kita Boom

Dearest pinsan,


Patawarin mo ako dahil hindi na tayo nagkakausap. Kasi naman, anlupit na ng mundo ngayon sa ate mo, hindi na tuloy tayo makaupo sa may bangketa ng bahay tuwing gabi. Sana wala ka nang singaw ngayon at sana masaya ang araw mo. Hindi na nga rin tayo nagkikita dahil gabi na ako kung umuwi. Dearest Boom, malapit na ang sembreak, ipagdasal mo naman na masaya tayong makakapagkuwentuhan, kulitan, at makakapaglaro ng chinese garter/10-20 o di kaya'y ng tinuro mo saking laro. Pwede ring ituloy ko na ang pagtuturo sayo ng "slow dance", medyo magaling na kasi ako dun. Haay pinsan kong cute, pahiram ako ng korona mo kahit isang araw lang, gusto ko kasing maging prinsesa. Pahiram na rin ng ngiti kahit ngayon lang. Namimiss na kita Boom, andami kong gustong ikwento sayo. Sana magkwento ka rin. Kahit na komplikado ang mga karanasan ko, angaling mo talaga dahil alam kong naiintindihan mo ako at interesado ka sa sinasabi ko. Sana mag-usap na tayo.


Nagmamahal,

Ate Maral.

Tuesday, October 03, 2006

katahimikan

kapag naiinis ka na nang sobra sobra,
umiyak ka na lang
at huwag magsalita.

Saturday, September 16, 2006

Biyernes

hinihintay na lamang ang pagdating ng sasakyan
nang biglang naisipang kumain
at bumili sa tindahan
kahit na lalong magiging delikado ang daan
sayang naman, wala namang pasok kinabukasan.

kahit na lakas ay bubunuin,
mabuti pang bumalik
dahil sa nakitang pangitain
kahit na iwan ang naplanong gawain
ayos lang, mas tamang umuwi.

ngunit nang nasa sakayan a muli,
tinimbang ang mga nangyari
at napagdesisyunang nagkamali
kahit na magmumukhang nawawala sa sarili
bumalik sa dinaanan para pumunta sa tindahan.